Ipon Challenge, are you in or out?

Sisimulan ko na sya ngaun! 

Promise magiipon na ko!

Weh, hindi nga. Ewan ko ba sa atin ang hilig hilig natin mga tao magplano ng isang napakalaking drawing pero paggagawin na ewan nalang natin. Totoo naman na malaki ang maiitutulong ng pagiipon sa atin especially kung may emergency na bagay na mangyayari. Napakahirap kayang wala kang mahugot na pera sa oras na kailangan mo sya. Pero bakit napakahirap sa atin na simulan ito. I made a list why it is hard for us to do it.

  1. Puro tayo fast food - hindi naman talaga masamang itreat ang sarili natin PAMINSAN MINSAN pero ibang usapan namn kung araw- araw tayong kakain sa fast food. Aminin natin may oras talagang araw araw tayong kakain sa fast food kahit hindi naman kailangan. Imbes na yung perang ginagastos natin sa kaka fast food natin ay isave natin at least may ipon ka pa.

    2. Tagay Pa more - well let's celebrate kahit na walang celebration, pak ganurn tayo                eh. Well masarap naman talagang tumagay at maghappy happy lang tayo walang                ending. Isipin mo to, after mo mastress sa trabaho mo at sa personal na problema                mo itagay mo lang to mawawala na ang problema mo. Technically, hindi sya                          mawawala lilibangin mo lang ang sarili mo sa oras na yun para makalimot. Imagine              this, yung tinatagay mo iniipon mo nalang at least may savings ka pa. Kaya mga friend          let's think before we drink hahahahaahahahahah.

    3. UTANG na loob at labas - kasama dito ang HINDI tamang paggamit ng credit card              kung mayroon ka man. Well obviously hindi ka talaga makakapagipon kung lahat na              ng sahod mo ay ipinambabayad mo na sa utang mo o ng kahit na sino. Aminin na                natin minsan talaga hindi natin maiiwasan mangutang pero minsan kasi nagiging                  hobby na natin to eh. Kaya mga Sir at madam kung maiiwasan naman natin na hindi            mangutang iwasan natin, Alam mo yung feeling na sayong sayo lang ang sahod mo              sarap nun!!!!!!!
         
     4. Lakwatsador/Lakwatsadora - okay lang naman magkaroon ng travel goals syempre           it is not bad to treat yourself. Pero wag naman na kada off mo ay may outing kayo                 parang hindi naman healthy yun sa bulsa natin.

Wala naman masamang gawin yung apat na bagay na sinabi ko pero pagsumobra ito nakakasama naman ito sa atin, Para sakin pagsinabi mong ipon hindi lang naman pagbukas ng saving account to, minsan yung mga material na bagay na nabibili mo ay pwede din yun ikonsider na ipon. 


PLEASE DO LEAVE YOUR COMMENT AND SPREAD MY BLOGSITE. I WILL REALLY APPRECIATE YOUR HELP MGA KUYA AT ATE

Comments

Popular posts from this blog

UNANG HIRIT SA TAG-INIT

STRESS ME NOT !!!!

HEALTHY SUMMER, HAPPY SUMMER